Pakpak

Tulutan mong ibahagi ko sa iyo ang isang tulang nagduduyan-duyan sa aking kamalayan. Ito ay isinulat ni Jose Corazon de Jesus, Ama ng Makatang Pilipino. Ang pamagat ay “Pakpak”. Una kong napag-alaman ito sa isang lingguhang palabas sa telebisyon, ang “Pahina” na pinagbidahan ni Carlo Aquino, Juni Gamboa, at Carol Banawa. Ang mga palabas na ito ay di na pinapanood ng mga kabataan ng bagong henerasyon. Unti-unti nang binabaon sa hukay ang sarili nating panitikan ng Facebook, Youtube, at makabagong teknolohiya–o di kaya’y binabaon ito ng sariling lahi. Kaya saludo ako sa mga gurong patuloy na nagtuturo at nagbibigay ganda sa Panitikang Pilipino, making it more enticing and appealing to the Filipino youth. Kaya sa lahat ng mga Filipino teachers, Mabuhay Kayo! Kayo ang mga tulay na nag-uugnay sa mga Kabataan at sa mga mayaman nating Panitikan.

Siya din ang sumulat ng tulang “Pag-ibig”.Ang tulang ito ay isang paalala sa mga kabataang umiibig at masasabi kong isa sa pinakaromantikong tula sa panitikang Pilipino. It still is relevant today.

 Bigyan mo ng pakpak itong aking diwa

At ako’y lilipad hanggang kay Bathala

Maiisipan ko’y mga malikmatang sukat ikalugod ng tao sa lupa

 Malilikha ko rin ang mga hiwaga na sa buhay ng tao’y magiging biyaya

Ano ba ang sagwang sabay sa pagtahak

 Kundi pakpak ng bangka sa dagat

Ano ba ang kamay ng taong namulat

 kundi pakpak ng kanyang panghawak

Ano ba ang dahon ng mga bulaklak

 kundi pakpak din panakip ng dilag…

 Lahat tayo’y may pakpak na lihim

 Pakpak na magdadala sa ating mga layunin…

 Hanggang diyan lang ang aking maalala. Lahat tayo’y may pakpak na lihim na magdadala sa ating mga pangarap.

Ang mga guro ko sa asignaturang Filipino: Maam dela Cruz, Miss Creencia, Maam Martin, Maam Cruspero, Maam Mata, at sa mga hindi nabanggit, daghang salamat.

Kailan ka huling nakabasa/bumasa ng mga tulang Pilipino, maikling kwento, tula?

Advertisements

About bagoy

This is a personal blog of Bagoy. He lives in a peaceful community of Barangay Banate, province of Sarangani, Philippines. He loves to play POG with his nephews.
This entry was posted in Quotes and tagged . Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s