Isang tula mula sa kaibigan kong Tausug

Alnasvier in Sulu Capitol Hills

Nakilala ko si Alnasvier nang bumisita ako sa MSU-Sulu para isang konsultasyon na nauukol sa kapakanan ng mga mag-aaral. Magkaparehong hilig sa Kasaysayan, madali kaming naging kaibigan. Siya na din ang naging gabay ko nang binisita namin ang Patikul Agricultural Extension.

Bawat sulok ng Sulu ay may naiwang bakas ng kasaysayan na nagmula pa sa makapangyarihang Sultanato mga pitong-daang taon na ang nakalipas hanggang sa pananakop ng mga Kastila, Hapones at Amerikano. Binigyang kasagutan ni Alnasvier ang aking mga tanong mula sa pagkain, pananamit, kagamitan, at mga madudugong digmaang naganap sa Sulu.

Unti-unti nang nakakalimutan ng mga taga-Sulu ang sariling kultura, wika niya, lalung-lalo na sa mga mag-aaral. Kaya sa kaniyang munting sariling pamamaraan, sa pamamagitan ng tula naiilathala kung ano ang pagiging Tausug at mayaman nitong Kultura.

 

Kultura’y asaan?

Ni: Alnasvier I. Abduljalil

BEED-III, MSU-Sulu

I.

Kilala sa Kultura sa buong daigdig

Kaugalian, tradisyon, pati pananamit

Kung kultura lang naman hindi padadaig

Saan mang daku’y walang makakahigit.

II.

Kawili-wiling musika, mga tunog at agong

Mula sa Kulintangan, Gandang at Agung

Tabungguh at Gabbang, Suling sa panapanahon

Musikang kaaya-aya sa bansang tinuon.

III.

Mga liriko na sadyang nilikha

Mula sa katotohanan at hindi haka-haka

Istoryang mapapakinggan sa pamamagitan ng Kissa

May Viola at Gabbang o kaya’y musika.

IV.

Kung sa liriko ang pag-uusapan

May tula o Tarasul at mayroon ding Daman

May mga liriko ding gawa sa kapanahunan

Ito’y ating maririnig sa pamamagitan ng Gabbang.

V.

Mga istoryang katawa-tawa

Kuwentong bayan ng Sulu o kaya’y Kata-kata

Alam naman natin kung sino ang bida

Eh! Siyempre si Abunnawas, eh! bakit sino ba?

VI.

Mga kagamitan di papatalo

Pananamit na makikita lamang ditto sa Sulu

Mula sa pananggalang, ibabah at sa ulo

Kalis, Barong, Budjak, Bunah o kaya’y Bolo.

VII.

Sadyang napakayaman kung sa kagamitan

Lapi, Kupot, Sablay, damit sa katawan

Sambra, Supa-supa at saka’y sabitan

Pissiyabit, siyulatan at saka kambigasan.

VIII.

MINSUPALA ang dating tawag

Dagat ng Sulu ang tawag sa dagat

Kung sa pangisdaan sadyang napakalawak

Pamunuang Sultan ang siyang gumanap.

IX.

Noong unang panahon kapag nasa laot

Kaaya-ayang tignan, Lipa, Adjung at Banog

Subalit ang panahon, kasabay nilimot

Na ngayon ay Basnigan, Timpil, Lantsa at pumpboat.

X.

Ang mga Tausug sadyang ginagalang

Sa pagtataguyod ng pamahalaang Sultan

Zamboanga Peninsula, Tawi-tawi at Basilan

Hilagang Borneo pati na ang Palawan.

XI.

Minsan nang subukan sakupin ng iba

Mga Hapon sa Japan at taga-Amerika

Manakop din ang hangad ng taga-Espanya

Kalakalan naman ang hatid ng Tsina.

XII.

Mayabong, magubat ang buong kapuluan

Mayaman sa prutas, Santol, Bauno, at Marang

Wanni, Buwahan, Usaw, at saka Mampallam

Tambis, Butong, Tamuson, at saka ang Duyan.

XIII.

Kung sa pagkaing walang pinipili

Tanyag sa lahat ang Tiyula Sapih

Ang kanin ay nilalagay sa dahon ng Jatih

Pyuto, Byanban, Shanglag, na mula sa Panggih.

XIV.

Mga pagkain na siyang itinuon

Andiyan ang Baulo, Juwalan, at Pasong

Panggi-panggi, Bulha, Hantak, at Tumpong

Patulakan, Palikambing, Panyam, at Durol.

XV.

Pagdating sa pinuno, pagkaing ginagalang

Dapat may tutop at saka Batunjang

Maharajah, Panglima, Datu o Sultan

Banwa, Hatib, Bilal, Panday at Imam.

XVI.

Pamahalaang panlupon andyan ang Banwa

Pamahalaang panlalawigan naman ang Maharajah

Panglima ang namumuno ng bawat probinsiya

Yan ang pamahalaan ng Sulu Sultaniya.

XVII.

Pinakamataas na posisyon pangbabae ay ang Dayang-dayang

Na anak ng Panglima, Datu, at Sultan

Kung kalahati ang dugo, Putli ang tawag diyan

Kung dugong bughaw ang Ama, at ang Ina’y hindi naman.

XVIII

Kung sakaling malayo ang tawag ay Sitti

Panday ang kasunod na posisyon sa bansang ikinubli

Meron ding banwa sa pangkat ng babae

May mga Pakil, O Manglugoh din sa Mawludin Nabi.

XIX.

Langgal ang tawag sa masjid na sambahan

Mataas na posisyon ang Imam Muallam

May Hatib, at Bilal, meron ding Imam

Kalahok mula sa iba namang Langgal.

XX.

Minsan gusto kong ibalik sa una

Ilagay ang aking sarili kabilang sa kanila

At nang aking maramdaman ang tamis ng kultura

Na nangyari noon, pero ngayon asan na?

Advertisements

About bagoy

This is a personal blog of Bagoy. He lives in a peaceful community of Barangay Banate, province of Sarangani, Philippines. He loves to play POG with his nephews.
This entry was posted in Sociology and tagged , , , , , . Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s