Halika nga anak

Sapagkat kasalukuyan tayong nagdiriwang ng Buwan ng Wika na may temang “Ang Filipino ay Wikang Panlahat, Ilaw at Lakas sa Tuwid na Landas” , tulutan ninyong makapaglathala ako sa salitang Filipino. Nais kong ibahagi ang isang sanaysay na aking isinumite sa isang Essay Writing Contest sa Pamantasan taong 2008 panahon ng Palakasan.

Anak, halika nga. Gusto kitang kausapin. Medyo may katagalan din mula nang huli tayong mag-usap.

Tandang-tanda ko pa ang kislap ng lungkot ng iyong mga mata. Nasasalamin sa iyong mukha ang matinding kasiphayuan. Hindi ka halos makatingin ng deretso. Labis ang kalungkutang iyong nadarama. Pautal ka kung magsalit habang ipinapaliwanag mo ang kabiguang iyong naranasan. Nahihiya ka sa akin. Nahihiya ka sa sarili mo. Hindi ko halos matarok kung ano ang dahilan. Ni minsan di sumagi sa isipan ko na magkakaganyan ka. Hindi bat’ ikaw ang ginigiliw kong anak? Kaligayahan ng aking buhay? Ang matalino at masigla kong anak. Ang natatanging pag-asa na makaahon tayo sa hirap.

Hindi ko mawari kung ano na ang nangyayari sa iyo. Ano kaya ang tanging dahilan kung bakit nagkakaganyan ka. Hanggang sa sinabi mo, “Itay, ayoko na pong mag-aral. Unti-unti na pong gumuguho ang aking pangarap.”

Natigilan ako. Isang bugso ng damdamin ang aking nadarama’t di ko maiapaliwanag. Ikaw naman ay isang matalino at masipag na estudyante. Sigurado akong walang problema ang iyong pag-aaral. 

Alam ko na ang ibig mong  sabihin. Kahirapan. Ngayong andyan ka na sa kolehiyo ay napakadami mong gastusin. May mga araw na kulang na kulang talaga tayo at wala ni isang kusing akong maipadala sa iyo. Naghihirap tayo. Oo inaamin ko. Hindi ba’t napag-usapan na natin to dati? Na kahit anong mangyari, di tayo susuko. Iisang pamilya tayo. Ang pangarap mong makapagtapos ng pag-aaral ay pangarap ko din. Ikaw at ang iyong pangarap ang tanging hininga ng aking buhay. Tumigil ka’t ito’y aking ikakamatay.

Huwag kang manghina, anak. Magpakakatatag ka. Ang kahirapan ay kailanma’y di magiging sagabal sa katuparan ng iyong mga pangarap. Ng ating pangarap.

Umiyak ka kung di mo mapigil. Ngunit huwag na huwag mong sasabihing sumusuko ka na. Makakaahon din tayo. Ikakayod kita nang buo kong kalakasan. Lahat ay aking gagawin makapagtapos ka lang ng pag-aaral.

Nakakatawa nga minsan, anak. Iniisip ko kung puwedeng ibuwis ang aking buhay kapalit ng iyong pangarap. Hinding-hindi ako magdadalawang isip na gawin iyon, pinakamamahal kong anak.

Anak, magpakatatag ka. Ako ang iyong ama. Ikaw ang aking anak. Ang aking buhay. Kahit anong bagyo pang darating, sa tulong ng Maykapal, kakayanin natin. Ngumiti ka, anak. Kaya natin to. Halika nga, payakap.

Writer’s note: Kung ang MSU ay isang ama, hindi kaya sasabihin sa amin ito?

Tunay ngang mas matamis at mas malalim ang tama kung gamit ang sariling wika. Nawa’y ang wikang ito ay patuloy nating tangkilikin. Ito’y magbibigkis sa ating kamalayan tungo  sa pagkamit ng ating mga adhikain bilang isang nasyong Pilipino.

Maligayang pagdiriwang sa Buwan ng Wika!

Advertisements

About bagoy

This is a personal blog of Bagoy. He lives in a peaceful community of Barangay Banate, province of Sarangani, Philippines. He loves to play POG with his nephews.
This entry was posted in Sariling Wika and tagged . Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s